Malawakang kampanya vs TB idinaos
MANILA, Philippines — Sinusuportahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsusulong ng Senate Bill No. 2373 na layong pagkalooban ng survivorship benefits ang mga retiradong miyembro ng National Prosecution Service.
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni House Committee on Health chair at Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan ang idinaos na Global TB Caucus kamakailan na tumalakay sa mga tamang pagtugon upang masugpo ang sakit na tuberculosis sa Asya sa hinaharap at sa mga darating na panahon.
Dumalo sa pulong ang mga miyembro ng parliaments, civil society organizations (CSOs), at TB advocates sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Si Rep. Tan ay kasapi ng Global TB Caucus Executive Committee at co-chair ng Asia-Pacific TB Caucus na parehong nagsisilbing lunan para maitaguyod ang mga polisiya na susugpo sa tuberculosis.
“It is imperative to have this discussion to share lessons-learned on the development of better, shorter, and less toxic TB treatments and the need to facilitate widespread access to new tools,” ani Tan.
Lumahok sa pagtitipon ang mga tagapagsalita mula sa TB community kabilang sina Eloisa “Louie” Zepeda-Teng, tagapangulo ng TBPeople Philippines at isang dating arkitekto na nagbahagi ng kanyang karanasan bilang tuberculosis meningitis survivor.
Sa panig ni Dr. Anna Marie Celina Garfin, National Tuberculosis program manager ng Department of Health (DOH) ay hinimay nito ang usapin sa mas abot kayang presyo at mas mabisang gamot kontra TB habang ibinahagi naman ni Dr. Stephanie Williams, Australian Ambassador for Regional Health Security, Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT), ang TB perspective mula sa mga funder.
Si Tan ang pangunahing nag-akda ng Republic Act 10767 o “Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act” na tinutukoy din bilang isa sa mga pinaka komprehensibong batas patungkol sa tuberculosis.
- Latest