^

Bansa

UP at DLSU, bagsak sa ranking ng World Universities

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
UP at DLSU, bagsak sa ranking ng World Universities
Composite photo shows the University of the Philippines and the De La Salle University.
Philstar.com / File | Facebook / De La Salle University

MANILA, Philippines — Bumagsak ang ran­king ng dalawang malala­king unibersidad sa bansa matapos ilabas ng The Higher Education ang ba­gong data ng pag-aaral hinggil  dito.

Base sa resulta ng World University Ranking 2022, nabigo ang University of the Philippines at Dela Salle University na mapanatili ang ranking nito.

Ang UP ay bumagsak sa 601-800 bracket mula sa dating 401-500 noong nakaraang taon. Ang DLSU naman ay dating nasa 1001 bracket pero bumagsak sa 1201 bracket.

Umabot sa mahigit 1,600 universities mula sa 99 na bansa ang isinama ng The Higher Education World University Ranking sa kanilang datos.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung ano ang dahilan ng pagbagsak sa ranking ng UP at DLSU.

Ang Oxford University pa rin ng United Kingdom ang nanguna sa ranking na sinundan ng mga unibersidad mula UK at Amerika.

Kabilang sa mga sinilip ng The Higher Education sa mga unibersidad ang paraan ng pagtuturo, research, knowledge transfer at international outlook.

WORLD UNIVERSITY RANKING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with