^

Bansa

NKTI full capacity na: Admission sa ER, lilimitahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa pagdami ng COVID-19 cases

MANILA, Philippines — Lilimitahan muna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang admission ng pas­yente sa kanilang emergency room matapos na umabot na ito sa full capacity dahil sa pagdami ng bilang ng COVID-19 leptospirosis patients.

Sa ipinalabas na abiso ng NKTI, sinabi nito na pansamantala munang limitado ang kanilang ER admission sa emergency, urgent at renal cases.

Idinagdag pa nito na ang ibang kaso ng sakit ay maaaring ilipat na muna sa ibang pagamutan.

“Right now, we are in full capacity of our COVID-19 in hospital beds and the five tents, with more than 50 patients at the ER. Other cases may have to be transferred to other hospitals,” anito pa.

Nabatid na binuksan na rin naman ng NKTI ang kanilang gym para sa mga pasyenteng dinapuan ng leptospirosis at ang iba pang pasilidad ay na-convert na para naman sa confirmed at suspected COVID-19 cases.

Naglagay na rin umano sila ng dialysis machines na eksklusibong ipapagamit sa leptospirosis patients upang hindi sila maihalo sa mga pas­yente ng COVID-19.

Ayon pa sa NKTI, si­mula rin ngayong Lunes ay magbabawas na sila ng pagpapakonsulta sa Internal Medicine and Nephro­logy outpatient dahil kailangan nilang i-reassign ang kanilang mga medical at nursing staff kung saan mas kinakailangan ang serbisyo ng mga ito.

Nanawagan din naman ang NKTI sa Department of Health (DOH) na dagdagan ang kanilang mga staff. 

vuukle comment

NKTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with