^

Bansa

Survey: Bong Go, No.1 sa Senatorial trust rating

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung sino sa mga kasalukuyang senador ang pinaka mapagkakatiwalaan, batay sa isang survey ay si Senator Christopher Bong Go ang siyang nangu­nguna sa listahan.

Sa survey sa 1,500 rehistradong botante na isi­nagawa ng Publicus Asia, si Senator Go ang ranked no.1 kung usapin sa “overall trustworthiness” ang pag-uusapan sa hanay ng mga kasalukuyang miyembro ng Senado.

Ang Pahayag-Quarter 2 survey ay isang independent at non-commissioned poll na isinagawa ng Publicus Asia sa panahon ng Hulyo 13-19, 2021.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Go sa mga Filipino na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya at sa Duterte administration.

“Maraming salamat sa mga kababayan nating nagtitiwala sa aking kakayahan at intensyon na mag-serbisyo ng tapat at lubos. Kayo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas namin upatng ipagpatuloy at paigtingin pa lalo ang serbisyo namin para sa kapakanan ng bawat Pilipino,” ang sabi ni Go.

Sa naturang ding survey, Top 3 naman si Go sa hanay ng mga senador kung performance sa Senado ang pag-uusapan.

Samantala, nananatili ring napakataas ng trust at performance ratings ni Pangulong Duterte sa nasabi ring survey.

Idiniin ni Go na dahil sa tiwala sa kanya ng mga Filipino ay lalo siyang nagkakaroon ng malakas na motibasyong ipagpatuloy ang kanyang tungkulin bilang senador at public servant.

 

vuukle comment

TRUST RATING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with