^

Bansa

641 katao inilikas matapos bumaha, mag-landslide dulot ng Typhoon Fabian

Philstar.com
641 katao inilikas matapos bumaha, mag-landslide dulot ng Typhoon Fabian
Some commuters wade through the flooded intersection of Lacson Avenue and España Boulevard in Manila following a heavy downpour on July 17, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Daan-daang residente sa bansa ang sumailalim sa preventive evacuations sa gitna ng pananalasa ng bagyong "Fabian" sa Pilipinas, bagay na nagpapalakas din ngayon sa Hanging Habagat.

Huling natagpuan ang bagyo 505 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes nitong 5 p.m., dala-dala ang hanging aabot hanggang 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo hanggang 185 kph.

Malalakas na pag-ulan, pagbaha at pagguho rin ng lupa ang naitala sa Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas at Kordilyera, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Huwebes. Inilikas na tuloy ang ilan kaugnay niyan:

  • inilagay sa pre-emptive evacuation (641)
  • displaced persons sa evacuation centers (472)
  • displaced persons sa labas ng evacuation centers (190)
  • total displaced persons (662)
  • apaketadong residente (695)

Kasalukuyang nasa pitong evacuation centers ang mga ilinikas sa MIMAROPA at Region 6 sa ngayon, patuloy ng NDRRMC kanina.

Landslide, maritime incident

Isang rain-induced landslide ang naitala sa Sablayan, Occidental Mindoro mula Pag-asa sa kahabaan ng Beronilla. Gayunpaman, maaari na itong maraanan matapos makapagsagawa ng road clearing sa lugar.

Sa Tobias Fornier (Dao), Antique naman, tatlong pagguho ng lupa ang naiulat sa Igbangcal A, Atiotes at Igdalaquit. Patuloy pa rin ang clearing operations dito.

Nadadaanan naman ang guho sa Barnaza, Antique mula Embrangga-an sa ngayon.

Samtanala, isang maritime incident naman ang naiulat din ang Region 6, sa pagkakataong ito sa  Caluya, Semirara Island. Nasagip na sa ngayon ang walo katao kaugnay niyan.

"8 crews of MB Roxanne-L enroute to Semirara Island encountered strong winds, rain and battered with big waves which resulted to damage the forward freeboard and subsequently submerged were rescued and in good physical condition," sabi pa ng pamahalaan.

Kasama sa mga nasagip ang sumusunod:

  • M, 57 - mula Brgy. Semirara
  • M, 47 - Banago, Caluya 
  • M, 30 - San Jose Occidental Mindoro 
  • M, 26 - Brgy. Harigue Caluya 
  • M, 37 - Brgy. Semirara 
  • M, 40 - Brgy. Semirara 
  • M, 31 - Brgy. Semirara
  • M, 24 - Brgy. Semirara

Mga pagbaha

Walong lugar pa rin ang binabaha sa ngayon kaugnay ng bagyo sa Occidential Mindoro, partikular na ang Sanlayan, Santa Cruz at Mamuburao.

Umabot naman sa 17 lugar sa National Capital Region ang binaha, kasama na ang ilang lugar sa Makati, Mandaluyong, Maynila, Pasay at Quezon City. Marami rito ay humupa na ang baha ngunit inaantay pa rin ang status ng ilan pang lugar.

Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Fabian sa pagitan ng Biyernes ng gabi hanggang Sabado. — James Relativo

vuukle comment

FABIAN

FLOODS

LANDSLIDE

NDRRMC

PAGASA

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with