^

Bansa

DFA 'aaraw-arawin' ang protesta vs Chinese ships sa West Phl Sea

Philstar.com
DFA 'aaraw-arawin' ang protesta vs Chinese ships sa West Phl Sea
Kita sa March 27, 2021 photo na ito ang ilang Chinese vessels na naka-angkla sa Juan Felipe Reef, 320 kilometro (175 nautical miles) kanluran ng isang isla sa Palawan
AFP/Philippine Communications Operations Office/National Task Force-West Philippine Sea

MANILA, Philippines — Hindi tatantanan ng gobyerno ng Pilipinas ang People's Republic of China pagdating sa mga inihahain nitong protesta patungkol sa patuloy na presensya ng mga Tsino sa exclusive economic zone (EEZ) ng Maynila, paglalahad ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Miyerkules, kaugnay ng sandamukal na sasakyang pandagat ng mga Tsino na ayaw umalis sa Julian Felipe Reef — bagay na nasa loob ng West Philippine Sea.

"Firing another diplomatic protest. Everyday 'til the last one’s gone like it should be by now if it is really fishing," ani Locsin sa isang tweet kaninang umaga.

Ika-7 ng Marso nang sabihin ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na nasa 220 "Chinese militia" ang namataan sa Julian Felipe Reef, impormasyong galing daw mismo sa Philippine Coast Guard.

Matatagpuan ang nasabing bahura 175 nautical miles kanluran ng Bataraza, Palawan. Ibig sabihin niyan, parte ito ng 200 nautical mile EEZ ng Pilipinas. 

Tanging ang bansang may EEZ sa isang lugar ang may "soberanyang karapatan" sa mga likas-yaman na matatagpuan sa ilalim ng dagat, ayon mismo sa Article 56 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

'Pinas maninindigan, pero sa payapang paraan — Palasyo

Lunes lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na titindigan ng Pilipinas at Malacañang ang soberanyang karapatan nito sa Julian Felipe Reef, kaso, iiwas daw ito sa paggamit ng dahas.

"Hindi po nagbabago ang posisyon [ni Pangulong Rodrigo Duterte]. Eto po yung kanyang nabanggit na salita sa UN General Assembly. Hindi po natin isasakripisyo, hindi natin ipamimigay ang ating national territory at ang ating mga [EEZ]," wika ni Roque dalawang araw na ang nakalilipas.

"[P]aninindigan natin ang ating karapatan pero hindi po to isang bagay para tayo po ay gumamit ng dahas. Kampante po ang ating Presidente na dahil nga po mero tayong malapit na pagkakaibigan mareresolba ang hidwaan na ‘to."

'Nangingisda lang... diumano'

Una nang sinabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila na "walang Chinese Maritime militia" sa 'Niu’e Jiao' (tawag ng mga Tsino sa Julian Felipe Reef). Gayunpaman, ilang taon na raw may mga Tsinong nangingisda roon. Doon din daw sumisilong ang mga mangingisdang Tsino tuwing masama ang panahon sa laot.

Nagmatigas din ang embahada na "parte" ng Nansha Qundao ng Tsina ang Julian Felipe Reef. Hindi ito ito totoo. Nansha Qundao ang tawag ng mga Tsino sa Spratly Islands.

"The utter disregard by the Chinese Embassy in Manila of international law especially the UNCLOS to which China is a party is appalling. Its nine-dash line claim is without any factual or legal basis," ani Defense Secretary Delfin Lorenzana, Linggo.

"This, together with its so-called historical claim, was flatly and categorically rejected by the arbitral tribunal. The Philippines' claims stand on solid ground, while China's do not." — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

CHINESE EMBASSY IN MANILA

DELFIN LORENZANA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

HARRY ROQUE

TEODORO LOCSIN

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with