Bulkang Taal, patuloy ang pag-aalboroto
MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal at sa loob ng 24 oras ay nakapagtala ang Phivolcs ng 125 volcanic earthquakes kabilang dito ang 7 episodes ng volcanic tremor.
Nakapagtala rin ang bulkan ng 114 low frequency quakes, 3 hybrid quakes at isang volcano-tectonic quake.
Nagluwa rin ito ng abo na may 30 minuto ang taas at naglabas ng asupre na umaabot sa 1,854 tonelada.
Mataas din ang temperatura sa may bulkan na umaabot sa 71.8°C at ground deformation, expansion na indikasyon na tumataas ang magmatic activity sa may paanan ng Taal.
Nananatiling nasa Alert Level 2 sa buong Taal at bawal ang sinuman na pumasok sa volcano island.
- Latest























