Palasyo aaksyon vs Tacloban mayor na nagpaturok agad ng Sinovac kahit bawal pa
MANILA, Philippines — Idiniin ng Malacañang na tanging mga healthcare workers palang ang pwedeng magpaturok ng coronavirus disease vaccine sa Pilipinas — ito'y kahit nauna na sa bakunahan ang isang mayor sa Visayas na hindi kasali sa priority list.
Lunes kasi nang aminin ni Taloban City Mayor Alfred Romualdez na nabakunahan na siya ng Chinese vaccine na CoronaVac (Sinovac), dahilan para birahin ng netizens online ang alkalde.
Si Romualdez ay binigyan ng COVID-19 vaccine kahit siya'y hindi healthcare worker at hindi pa senior citizen (54-anyos pa lang siya).
Basahin: LIST: Priority population groups for COVID-19 vaccination
Kaugnay na balita: Mayor jumps priority list, gets COVID-19 vaccine
LOOK: Mayor Alfred S. Romualdez rolled up his sleeves and received the 1st dose of the COVID-19 vaccine, after the screening and assessment conducted by acting City Health Officer Dr. Gloria Fabrigas, this afternoon (March 22).https://t.co/Y2jwiRRluF pic.twitter.com/U1xgSAFLV5
— Tacloban City Information Office (@city_tacloban) March 22, 2021
"Uulitin natin, hindi po pupwedeng magpabakuna muna ang hindi mga medical frontliners, dahil kung susuway tayo dito sa order of priority na ito, maapektuhan po 'yung ating future deliveries galing sa COVAX facilities," ani presidential spokesperson Harry Roque, Martes.
"We regret this incident but I will refer the matter to the [Department of the Interior and Local Government] for proper action dahil kinakalangan po talagang imbestigahan ito."
Ang COVAX facility ang isa sa mga nakukunan ng Pilipinas ng COVID-19 vaccines, gaya na lang ng 525,600 doses ng AstraZeneca na pawang mga donasyon.
Kapansin-pansing ipinaskil pa ito uli ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na nasa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong araw. Gayunpaman, burado na ito.
Wala pa namang pahayag ang Department of Health patungkol sa nasabing paglabag. Hindi pa umaabot ang Sinovac at AstraZeneca vaccines sa braso ng general population hanggang sa ngayon.
'Para mahikayat ang publiko magpabakuna'
Kahit na walang binabago sa proritization list at bawal pa, nagpaliwanag si Romualdez kung bakit niya ito ginawa. Aniya, paraan daw niya ito para mapataas ang tiwala ng publiko sa COVID-19 vaccines.
"Because everyone was scared and everyone was waiting for me. So I did it to lead my people out of fear. And I'm glad they responded positively! NEVER say that I did it to save myself before others," ani Romualdez.
"I did it to make the people see that it was okay to get the vaccine. I wanted our people to take it for protection, and so that the efforts of the national government will not be in vain."
In truth and in reality, only 50% wanted to have themselves vaccinated, so the Mayor had himself inoculated to show the...
Posted by Cio Tacloban on Monday, March 22, 2021
Dagdag pa ng Tacloban City Information Office, isinagawa ang pag-iineksyon matapos dumaan sa screening assessment ni City health officer Dr. Gloria Fabrigas. Wala naman daw naramdaman na masamang side-effects ang mayor.
Wika ng alkalde, sa ngayon daw kasi ay nasa 50% lang ng publiko ang nagsasabing payag silang magpabakuna.
Nobyembre nang iulat ng Social Weather Stations (SWS) na nasa dalawa sa limang Pilipino lang ang handang magpaturok ng COVID-19 vaccine pagdating nito ng Pilipinas. Nasa 47% naman ng Pinoy ang payag sa immunization ayon sa huling Pulse Asia survey.
Umabot na sa 671,792 ang tinatamaan ng COVID-19 ngayon sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 12,972 na ang namamatay nitong Lunes.
- Latest