^

Bansa

PACC Chair Dante Jimenez namatay sa aortic aneurysm

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PACC Chair Dante Jimenez namatay sa aortic aneurysm
“With deep sorrow, the Family announces the passing away of Dante Jimenez, PACC Chairman due to Aortic Aneurysm at 9:43 pm, Friday, January 29, 2021,” saad ng pamil­ya sa pahayag.
Gil Calinga/Philippine News Agency

MANILA, Philippines — Pumanaw na si Presidential Anti-Crime Commission Chairman Dante Jimenez dahil sa aortic aneurysm.

“With deep sorrow, the Family announces the passing away of Dante Jimenez, PACC Chairman due to Aortic Aneurysm at 9:43 pm, Friday, January 29, 2021,” saad ng pamil­ya sa pahayag.

Bago pa maitalaga si Jimenez sa PACC, nagsilbi rin siya bilang founding chairman sa advocacy group Volunteers Against Crime and Corruption.

Unang dinala sa Chinese General Hospital noong Biyernes ng gabi si Jimenez matapos umanong makaramdam ng hindi maganda sa kanyang katawan.

Matapos ang ilang oras, binawian ng buhay si Jimenez. Si  Jimenez ay itinalaga ni Pang. Rodrigo Duterte bilang Chairman ng PACC para pangunahan ang paghahanap sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Nagpaabot na ng pa­ki­ki­ramay ang Malacañang sa pamilya, mahal sa buhay at katrabaho ni Jimenez.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ginugol ni Jimenez ang kanyang buhay sa pagsusulong ng patas at mapayapang lipunan sa pamamagitan ng pag­laban sa kriminalidad at korupsyon.—Mer Layson

vuukle comment

ANEURYSM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with