^

Bansa

28 House deputy speakers binira!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
28 House deputy speakers binira!
“Having 28 Deputy Speakers alone means each leader is theoretically in charge of just 10 other peers in the 300-member House. For reasons of self-respect and dignity, naman. Has anyone in the House of Representatives discovered the meaning of ‘gravitas’,” pahayag ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Binanatan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo ang ginawang pagdagdag pa ng 9 na House Deputy Speaker na umabot na sa kabuuang 28.

Ayon kay Banayo, kung dati umano ay 3 lamang ang Deputy Speaker na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao, ngayong 28 na ang mga ito ay lumalabas na sa bawat 1 Deputy Speaker ?ay 10 mambabatas na lamang ang hawak nito.

“Having 28 Deputy Speakers alone means each leader is theoretically in charge of just 10 other peers in the 300-member House. For reasons of self-respect and dignity, naman. Has anyone in the House of Representatives discovered the meaning of ‘gravitas’,” pahayag nito.

Aniya, hind lamang dagdag gastos ang pagkakaroon ng sangkaterbang Deputy Speaker kundi na­ngangahulugan din ito ng dagdag pa pangingialam sa mga polisiya.

Ani Banayo, sa ginawa ni Velasco na gawin lahat na Deputy Speaker ang kanyang mga kaalyado ay lalo lamang nitong pinababa ang imahe ng Kamara.

Gayundin ang tingin ng batikang political analyst na si Ramon Casiple, aniya, masyado nang pinahahalata ni Velasco na ang galawan sa Kamara ay bilang paghahanda sa 2022 eleksyon, bukod sa dinagdagan nito ang bilang ng Deputy Speaker ay dinagdagan din niya ng ilang bilyong piso ang infrastructure budget ng mga kaalyadong kongresista.

Sa laki umano ng budget ng mga mambabatas ay kalahati lamang ang napupunta sa mga proyekto at kalahati ay sa bulsa.

Una nang sinabi ni Casiple na matuturing nang scandal ang pagkakaroon ng 28 Deputy Speaker dahil hindi kailangan ang ganitong kadami na posisyon na wala namang nagagawa maliban sa dagdag gastos.

vuukle comment

MECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with