'Very Sorry': Tuguegarao mayor humingi ng tawad, nagbakasyon noong 'Ulysses'
MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang alkalde ng Lungsod ng Tuguegarao sa publiko matapos maging "missing in action" kahit kinailangan siya nang husto ng mga constituents habang binabayo ng sakuna ang kanilang lugar noong nakalipas na buwan.
Hindi kasi mahanap so Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano sa kanilang lugar noong rurok ng bagsik ng Typhoon Ulysses, na labis lumubog sa kanilang lungsod at maraming lugar sa Cagayan Valley.
"I decided to spend my birthday — I'm really very sorry for that — with my family. This is the second time I visited my family [in Metro Manila] in 8 months," sabi niya sa CNN Philippines, Lunes.
"I am really very sorry for that. I underestimated the situation."
Nabatikos nang husto si Soriano rahil sa kanyang ginawa, ngunit ipinaliwanag na ika-8 ng Nobyembre pa siya umalis ng Tuguegarao — panahong wala pang bagyo roon.
Umabot na sa 67 ang patay sa bagyong Ulysses, ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). 'Yan ay matapos diumano malubog ang 90% ng Tuguegarao sa tubig dahil sa nasabing bagyo.
Kamakailan lang nang mapilitan nang magdeklara ng "state of calamity" ang probinsya ng Cagayan, kung saan Tuguegarao ang kabisera.
Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Marikina,
Basahin: Probinsya ng Cagayan 'state of calamity' na dahil sa Typhoon Ulysses | May kinalaman: Marikina placed under state of calamity
Paliwanag pa ng mayor, sinubukan niyang umuwi ng kanilang lugar noong ika-12 ng Nobyembre ngunit halos hindi na raw madaanan ang maraming kalsada dahil sa bagyong "Ulysses."
Dahil dito, hindi niya agad napangasiwaan ang rescue operations sa lugar. Aniya, nasorpresa na lamang sila sa dami ng ulan na ibinuhos ng sama ng panahon.
"Tuguegarao was never under any storm signal. The protocol is we should be at our area once a storm will hit our area. We are preparing actually for the flooding, we took our preparations for the flooding, not really the rain because we were never under storm signal," patuloy niya.
Pinagpapaliwanag ngayon si Soriano kaugnay ng kanyang pagkawala at magsusumite ng kanyang ulat kay Interior Secretary Eduardo Año ngayong araw. Pwedeng patawan ng parusang administratibo ang mga local executives na pabaya sa gitna ng sakuna. — James Relativo
- Latest