Batanes, eastern Babuyan Islands Signal No. 2 na dulot ng bagyong 'Siony'
MANILA, Philippines — Lalo pang tumindi ang tama ng Severe Tropical Storm Siony sa dulong hilagang bahagi ng Luzon habang patuloy ito sa pagkilos kanluran-timogkanluran patungong Luzon Straight.
Bandang 4 a.m. nang matagpuan ang bagyo 595 kilometro silangan ng Basco, Batanes habang may lakas ng hanging papalo hanggang 95 kilometro kada oras malapit sa gitna.
May bugso pa rin ito na aabot ng 115 kilometro kada oras at tinadahak ang direksyong kanluran-timogkanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
"On the forecast track, the center of 'SIONY' will likely pass over (landfall) or near (close approach) the vicinity of Batanes or Babuyan Islands tomorrow morning or noon," ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
"'SIONY' is forecast to reach typhoon category with a peak intensity of 120 km/h by tomorrow morning as it passes near or over the Batanes-Babuyan Islands area."
Oras na umalis ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, tinatayang dahan-dahan itong hihina dahil sa mga 'di paborableng kondisyon sa West Philippine Sea dahil sa northeasterly surge.
Sa ngayon, inilagay ng PAGASA ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng tropical cyclone wind signal no. 2:
- Batanes
- silangang bahagi ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl. kasama ang kanilang adjoining islets)
Makakaranas sila ng mga hanging papalo hanggang 61 hanggang 120 kilometro kada oras sa susunod na 24 oras.
Samantala, signal no. 1 naman ang mararanasan sa:
- nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
- hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
- hilagang bahagi ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)
- hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)
"In the next 24 hours, the troughs of both 'GONI' and 'SIONY' will bring scattered light to moderate with at times heavy rainshowers over Pangasinan and most parts of Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, and Mindanao," patuloy ng PAGASA.
"Moderate to heavy rains due to 'SIONY' will begin affecting Batanes and Babuyan Islands tomorrow early morning."
- Latest