^

Bansa

Pagbaha sa Bicol ang tugunan – Solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Hindi puro relief efforts lang

MANILA, Philippines — Nais ni Ang Probinsyano Rep. Alfred Delos Santos na magkaroon ng master plan para tugunan ang problema ng mga pagbaha sa lalawigan ng Bicol.

Ayon kay Delos Santos, hindi maaaring puro relief efforts na lamang kaya dapat ay mayroong long term solutions kung saan nagmumula ang problema ng baha doon.

Partikular na nais ni Delos Santos na magkaroon ng bagong master plan para ma-improve ang flood control structures sa paligid ng Bicol River Basin at Sabo Dam.

“Kapag natapos na ‘yan, magiging malinaw ang direction ng lahat ng construction ng flood control structures at dams. Ngayon nga nasiraan tayo ng isang dam kaya’t big­lang taas yung tubig so dapat maisaayos na agad yung dokumento na kailangan para sa pagtatayo ng bagong dam at pagre-rebuild ng mga existing flood control structures,” sinabi pa ni Delos Santos.

Giit pa niya hindi la­ging pinapaubaya sa katatagan ng mga Filipino sa tuwing may kalamidad kundi dapat din kumilos ang gobyerno para mabenepisyuhan ang taumbayan.

ALFRED DELOS SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with