Pulong nais protektahaang heritage trees sa bansa
MANILA, Philippines — Dahil sa nararapat maprotektahan ang mga heritage o mga puno na mahalaga sa biodiversity ng bansa, naghain ng panukalang batas o House Bill No. 7804 (“Heritage Tree Act fo 2020”) si presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kamakailan.
“Sa kabila ng maraming mga individual or organisasyon ang natulong upang mapangalagaan ang “Heritage Trees” sa bansa. Dapat pa rin tayo magkaroon ng mga batas upang mapangalagaan ang puno na ang ilan ay daang taon gulang na nito,” paliwanag ni Rep. Duterte.
Hinalimbawa ng mambabatas ang 300 taong gulang na puno ng Philippine Rosewood o “Toog” sa San Francisco, Agusan del Sur kung saan nanganganib itong maputol. “Ito ay isang matatag at malusog na puno, kailangan ay maalagaan ang puno na tulad nito imbes na putulin,” dagdag ni Pulong.
Naniniwala si Rep. Pulong na mahalaga ang maisabatas agad ang proteksyon para sa mga Heritage Trees lalo pa at ang mga puno ang isa sa solusyon sa climate change bukod pa na ito ay isang cultural heritage.
Ang batas na hinain ni Rep. Duterte ay magiging kapaki-pakinabang sa bansa. ayon sa mga ekspertong environmentalist.
- Latest