Manila Water Foundation, umayuda sa Quezon na naapektuhan ng bagyong Pepito
MANILA, Philippines — Kasabay ng hagupit ng Bagyong Pepito sa lalawigan ng Quezon, agad na nagtungo ang Manila Water Foundation (MWF) sa Lungsod ng Lucena noong Oktubre 21 upang magpadala ng dalawang trak ng maiinom na tubig at pagkain sa mahigit 7,000 naapektuhang mamamayan.
Mahigit 23,000 mamamayan ang naiulat na inilikas mula sa District 4 na naapektuhan ng ma-tinding pagbaha at pagguho ng lupa kabilang ang mga bayan ng Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Calauag at mga isla ng Alabat, Perez at Quezon.
Mabilis na rumesponde ang Manila Water Foundation at nagpadala ito ng 1,400 food packs, at mahigit 1,000 bote ng 500ml na maiinom na tubig. Ang mga donasyon ay ipamamahagi sa mga pamilyang kasalukuyang namamalagi sa mga eva-cuation centers.
Ang relief effort na ito ay bahagi ng programang Agapay na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng sakuna mula sa mga kalamidad kagaya ng bagyo, baha, o lindol, at kaakibat ang Tanging Yaman Foundation, Inc. na namahala sa pag-aayos ng mga nasabing relief goods.
- Latest