Signal No. 1 itinaas sa Metro Manila, 22 pang lugar dahil kay 'Pepito'
MANILA, Philippines — Bago sumalpok sa kalupaan mamaya, tinatayang lalakas pa ang bagyong "Pepito," habang nanganganib ang baybayin ng Aurora-Isabela na direktang ragasain nito, pagbabalita ng state weather bureau, Martes.
Bandang 7 a.m. kaninang umaga nang mamataan ang Tropical Depression pepito 375 kilometro silangan ng Infanta, Quezon habang may dala naman itong hangin na may lakas na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.
May bugso itong aabot sa 70 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
"It will then cross the Luzon landmass, and emerge over the West Philippine Sea tomorrow morning. This tropical cyclone may exit the [Philippine Area of Responsibility] on Thursday morning," patuloy ng PAGASA.
"Pepito' may reach tropical storm category before making landfall. However, there remains a possibility that this tropical cyclone makes landfall as a tropical depression."
Maari namang itaaas ito sa tropical storm category pagsapit ng Huwebes.
Dahil diyan, nakataas tuloy ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Aurora
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Bulacan
- Pampanga
- Bataan
- Metro Manila
- Rizal
- hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands
- dulong hilaga ng Camarines Norte (Vinzons)
- Catanduanes
"'Pepito' will bring moderate to heavy rains over Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, and Benguet," patuloy ng state weather bureau.
"Light to moderate with at times heavy rains will be experienced over Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, and the rest of Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, and MIMAROPA."
Mararanasan ang mga hanging mula 30 hanggang 60 kilometro kada oras sa susunod na 36 na oras sa mga lugar na nasa signal no. 1.
Dahil dito, posibleng magtamo ng bahagyang pinsala ang ilang kabahayan na yari sa napakagaang kagamitan sa mga exposed communities.
"Rice crops, however, may suffer significant damage when it is in its flowering stage," dagdag pa nila.
Maaari namang bahain (kasama ang posibilidad ng flashflood) at pagguho ng lupa oras na maging malakas at tuloy-tuloy ang pag-ulan sa mga lugar na susceptible dito.
- Latest