^

Bansa

Angkas, Joyride pabiyahihin na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Angkas, Joyride pabiyahihin na
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang prangkisa ang Angkas kaya hindi pa makabiyahe.
Video grab mula sa livestream ng "Samahang Plaridel" Facebook group

MANILA, Philippines — Umapela kahapon ang Malacañang sa Kongreso na magpasa ng resolus-yon upang mabigyan ng prangkisa ang motorcycle taxi na Angkas at Joyride.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang prangkisa ang Angkas kaya hindi pa makabiyahe.

“Mayroon na pong pinal na desisyon, inindorso na po namin sa Kamara de Representante na kung pupuwede, bigyan. Magpasa uli sila ng reso­lusyon para magkaroon ng pilot study muli, dahil habang wala pong prangkisa ang Angkas ay wala po talagang legal na basehan,” ani Roque.

Kung hindi aniya maipasa ang prangkisa ay maaari namang magpalabas ng isang resolusyon.

“Pero kung hindi pa po maipasa talaga iyong prangkisa nila, kahit re-solusyon po ay hiningi na po ng IATF nang maka-pagsimula po muli na bumiyahe ang Angkas at       saka Joyride,” ani Roque.

Nauna rito inapruba-han ang one seat apart na distansiya ng mga pasahero sa pampublikong sasak-yan sa halip na isang metro.

Pero nilinaw ni Roque na kailangan pa ring magpalabas ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa one-seat-apart policy at kinakailangan na mailat- hala mula sa Official Gazette bago maipatupad.

ANGKAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with