^

Bansa

CHED naglinaw, hindi susubok ng 'face-to-face classes' sa Hulyo

James Relativo - Philstar.com
CHED naglinaw, hindi susubok ng 'face-to-face classes' sa Hulyo
Nakasuot ng face masks ang mga estudyanteng ito sa Maynila habang sinusuri ang kanilang temperatura bago makapasok ng kanilang colleges campus, ika-31 ng Enero, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Inilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga ulat hinggil sa diumano'y isasagawang "test- un" ng harapang klase sa mga kolehiyo't unibersidad sa mga modified general community quarantine (MGCQ) areas sa susunod na buwan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED chairperson Prospero de Vera na nagkaroon lang ng kalituhan sa isinagawang panayam sa kanya ng CNN Philippines noong Martes, bagay na umani ng kritisismo sa marami.

"This is not true and the said reporters may have misunderstood my television interview yesterday," ani De Vera.

Una nang sinabi ni De Vera na gumagawa na sila ng guidelines kung paano maibabalik ang limitadong pisikal na klase sa tertiary system na kanilang isusumite sa Inter-agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) bago magtapos ang Hunyo.

Pero paliwanag ng CHED, wala pang mangyayaring class opening sa Hunyo kahit aprubahan ng IATF ang kanilang mungkahi: "[O]nce the guidelines have been approved by the IATF, CHED is planning to test the physical arrangements of classrooms in schools by July and see if it can be implemented. The IATF has not authorized any class opening in July."

Oras na sang-ayunan ang kanilang ang rekomendasyon, personal raw na magtutungo si De Vera sa mga higher education institutions (HEIs) na magre-redesign ng kanilang mga pasilidad gaya ng silid-aralan, silid-aklatan at cafeterias para makita kung posible ang limitadong face-to-face classes sa MGCQ areas, na itinuturing na low-risk para sa COVID-19.

"I will do this in July and recommend to the IATF the applicable policies for the opening of classes in August," dagdag pa ng CHED official.

Matatandaang inaprubahan ng IATF ang limitadong face-to-face na pagsasanay ng mga nasa Technical and Vocational Education and Training (TVET) training programs simula Hulyo.

Ika-13 ng Mayo nang aprubahan ng IATF ang pagbubukas ng mga klase sa mga kolehiyo at unibersidad sa daratingt na Agosto basta't gagamit sila ng pamamaraang flexible learning: "So there will be no face-to-face classes in July 2020," wika pa niya.

Sinabi na rin ni Education Secretary Leonor Briones na gagamit ng pamamaraang "distance learning" o "blended learning" ang mga elementarya at haykul sa darating na Agosto, at tuturuan sa pamamagitan ng radyo, telebisyon at internet.

Pinalagan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mungkahing ibalik ang physical classes, at sinabing hindi ito mangyayari hangga't wala pang bakuna laban sa COVID-19.

"Kasi hindi na — hindi na — wala nang aral. Laro na lang. Unless I am sure that they are really safe. It’s useless to be talking about opening of classes," sabi niya sa isang talumpati noong Mayo.

"Para sa akin, bakuna muna. ‘Pag nandiyan na ang bakuna, okay na."

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 31,825 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 1,186 na ang patay. — may mga ulat mula kay The STAR Janvic Matteo

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

PROSPERO DE VERA

SCHOOL OPENING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with