^

Bansa

95% ng COVID-19 patients sa Cebu City 'walang sintomas' — mayor

James Relativo - Philstar.com
95% ng COVID-19 patients sa Cebu City 'walang sintomas' — mayor
Satellite image ng Cebu City
Screen grab mula sa Google Maps

MANILA, Philippines  — Halos lahat ng mga nakitaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Lungsod ng Cebu ang tinatawag na "asymptomatic," pagbabahagi ng kanilang alkalde sa #LagingHanda virtual briefing na inere sa sa state-owned Radio Television Malacañang (RTVM), Martes.

"As of yesterday, we have about 1,749 [that are] positive. But 95% of these are asymptomatic," sabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella kanina.

 

 

Dahil diyan, 5% lang ng mga nakitaan ng COVID-19 sa Cebu City ang nagpapakita ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo atbp.

Napag-alaman daw nila 'yan matapos magsagawa ng malawakang COVID-19 testing, na umabot na sa mahigit 10,000 katao.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na bagama't walang sintomas ang mga asymptomatic, kaya pa rin daw nilang makapanghawa ng virus.

Mananatili sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang lungsod kasama ng Mandaue City, matapos bawiin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang unang desisyon na ilagay ito sa mas maluwag na modified ECQ (MECQ).

"Siguro makikita natin ang epekto nito, isolating positive but asymptomatic, kasi sila naman ang medyo delikado. They don't have any symptoms, walang lagnat, walang ubo, and they go around," dagdag pa ng mayor.

"So we isolate them."

Naglaan naman na din ng tatlong quarantine centers ang Cebu para sa mga "mild" at "moderate" cases ng COVID-19.

Handa naman daw ang Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa mga "serious" at "severe" cases. Ibinalita rin ng alkalde na hindi na gaano siksikan sa nasabing ospital dahil na rin sa protocol na kanilang ginagawa. 

Mass testing

Dahil sa dami ng asymptomatic cases, inilalaban ngayon ng iba't ibang personalidad, organisasyon at opisyal ng pamahalaan na magpatupad ng "tunay" na mass testing, lalo na't mababa sa prayoridad o talagang hindi tine-test ng gobyerno para sa COVID-19 ang mga walang sintomas.

Sa kabila niyan, sinabi ng Malacañang na "physically impossible" i-test ang lahat ng tao sa Pilipinas, kung kaya't 1.5% hanggang 2% lang ng 110 milyong populasyon ang tina-target ng gobyerno para sa COVID-19 screening.

"What what we’re doing is trying to follow the best examples that we have. Right now, we’re trying to follow the footsteps of South Korea and that’s why the goal is to test 1.5 to 2 percent of the total population," sabi niya sa panayam ng CNN Philippines.

Nasa pagitan ng 1.65 milyon hanggang 2.2 milyong katao ang layunin ng gobyernong ma-test para sa virus. Pero sa datos ng DOH, 207,823 pa lang ang nasusuri.

Samantala, nagbigay naman ng kanyang kuro-kuro sa isyu ng mass testing si Sen. Koko Pimentel, na dati nang nagkaroon ng COVID-19.

"There is no provision in the Bayanihan [to Heal as One] Act which makes mass testing mandatory or makes the expenses for testing a charge on government funds," sabi niya. — may mga mula kay Gaea Katreena Cabico at News5

ASYMPTOMATIC

CEBU

MASS TESTING

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with