^

Bansa

Multa vs 'quarantine violators' aabot ng P50,000 sa panukala ni Pacquiao

James Relativo - Philstar.com
Multa vs 'quarantine violators' aabot ng P50,000 sa panukala ni Pacquiao
Kuha ilang oras bago ipatupad ng "total lockdown" sa barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni Sen. Manny Pacquiao ang isang panukalang batas na magtatakda sa "new normal" para sa ligtas na pakikisalamuha ng tao sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic, bagay na magdudulot ng mabigat na multa para sa mga lalabag.

Hinati ng boxer-turned-lawmaker ang Senate Bill 1461 sa "mitigation measures," "restrictions on individuals," "proper weaste disposal" at mga parusa. 

"In effect" ang mga probisyon hangga't ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang umaasikaso sa COVID-19, o kung magkakaroon uli ng panibagong contagious disease.

Sa ilalim nito, lahat ng establisyamento at "event" na bukas sa publiko na kayang magdala nang 'di bababa sa 10 tao ay kinakailangang may:

  • libreng disinfectant/sanitizing substance
  • gumaganang "hand hygiene facility"
  • sabon (liquod o bar) sa lahat ng banyo
  • poster instructions patungkol sa tamang gamit ng mga naunang nabanggit
  • libreng hair net at face mask sa lahat ng empleyadong humaharap at madla at nag-aasikaso ng pagkain
  • banyo sa ground floor para sa libreng paggamit ng senior citizens, may kapansanan, buntis at batas
  • araw-araw na disinfection ng lugar
  • sapilitang social distancing nang 'di bababa sa isang metro (maliban kung batang edad 10-anyos pababa)
  • mandatory temperature checks
  • pagkuha ng personal information na gagamitin para sa contact tracing

Sa mga eskwalahan, plano namang ipatupad ang mga sumusunod:

  • pagtataguyod ng kalinisan ng katawan at paghuhugas ng kamay
  • paglalagay ng gumaganang hand hygiene facilities sa mga banyo, silid-aralin, opisina, atbp. na nasa loob ng eskwela
  • posters na naghihikayat sa magandang hand at respiratory hygiene practices
  • regular na disinfection at paglilinis
  • magkaroon ng tubig, sanitation at waste management facilities na sumusunod sa environmental cleaning at decontamination procedures
  • increase sa "air flow" at ventiulation sa lahat ng gusali
  • gumawa ng procedures kung magkasakit ang mga estudyante o staff, maging koordinasyon sa local health authorities
  • procedures sa paghihiwalay ng may sakit na estudyante at staff sa walang sakit, nang walang ginagawang stigma
  • pagtugon sa mental health/psychosocial support sa mga bata
  • tamang protective hears sa mga janitor
  • atbp.

Naglagay din ng probisyon para sa "contagion mitigation" sa komunidad, bagay na dapat daw sundin ng lahat ng baranggay.

Paghihigpit sa paglabas

Kung maipapasa, magpapatupad naman ng "restrictions on movement" sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown.

"[E]very individual residing in areas declared to be under enforced community quarantine or lockdown by the national government is restricted fi*om leaving his or her place of residence."

Maaari lang lumabas ang mga tao sa quarantine areas sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • kung nagtratrabaho o nakikipagtulungan sa mga "government-declared essential service provider"
  • kung kukuha ng mga pang-araw-araw na pangangailangan o serbisyo
  • kung magpapagamot
  • kung tutulong sa panahon ng emergency

Bawal pa rin ang mga "social gatherings," o pagtitipon ng maraming tao, hangga't ang IATF pa rin ang umaasikaso sa COVID-19 pandemic, kapag binawi na ng IATF, o kung kakalat uli ang lubang nakahahawa na sakit.

"[E]very person is prohibited to meet another individual not living in the same area of his or her residence for any social purpose," sabi pa ng panukala.

'Tamang distancing, pagbabawal sa pagdura'

Inilatag din ng Senate bill ang aniya'y tamang physical distancing sa panahon ng pandemic at iba pang contagious outbreak, sa panahong lumalabas ng bahay.

Maliban sa "at least one meter distance" sa iba pang tao, kinakailangan din ang umiwas sa pisikal na pagdikit sa ibang tao kapag binabati ang iba pang tao.

Dapat din magtakip ng bibig at ilong kapag uubo at babahing, at dapat nang mag-face mask sa lahat ng oras.

Ipagbabawal din ang basta-bastang pagdura ng laway, plema o ano pang substance mula sa bibig o ilong sa mga pampublikong lugar.

Pagbabayarin ng multa ang mga susuway sa "contagion mitigation" sa mga pampublikong lugar, "restrictions on movement," probisyon sa social gatherings, social distancing at basta-bastang pagdura.

Sa unang paglabag, papatawan ng P5,000 multa ang isang tao. Tataas naman 'yan sa P10,000 sa ikalawang paglabag at P50,000 sa ikatlong offense.

vuukle comment

COMMUNITY QUARANTINE

LOCKDOWN

NEW NORMAL

NOVEL CORONAVIRUS

SENATE BILL

VIOLATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with