Duterte mananatili sa Palasyo ngayong Holy Week
MANILA, Philippines — Mananatili sa ‘Bahay Pagbabago’ sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinansela ng Pangulo ang nakatakda sanang pag-uwi sa Davao City para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Kitty.
Ayon kay Sec. Panelo, magtutuloy-tuloy ang gagawing pag-monitor ni Pangulong Duterte sa mga pinakahuling impormasyon sa COVID-19 dito sa bansa.
Ang tanging mensahe lamang umano ni Pangulong Duterte ngayong Holy Week ay sama-samang ipanalangin ang buong bansa na gabayan at bigyan ng karunungan na masugpo ang COVID-19.
Tulad umano ng palaging sinasabi ng Pangulo, manatili sa bahay ang lahat ng mga Pilipino para maiwasang magkahawaan, bilang pagprotekta na rin sa isa’t isa.
- Latest