Baste, pamilya lumipad pa-Singapore

MANILA, Philippines — Kung “Draw” ang resulta ng bakbakang Pacman vs Barrios, posibleng “drawing” na lang ang resulta ng nakatakdang boxing match nina Philippine National Police Chief, General Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Batay sa impormasyon, dakong alas-7:10 ng umaga ng Hulyo 25, 2025 ay lumipad mula sa Davao International Airport sakay ng Scoot Flight TR 369 patungong Singapore si Baste Duterte, kasama ang kaniyang pamilya at staff.
Sa nakuhang impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa intelligence personnel ng Bureau of Immigration, kumpirmadong umalis na ng bansa ang nakababatang Duterte kasama ang pamilya at tauhan.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagre-reflect ang official record ng pag-alis ni Duterte dahil 24 oras muna ito bago mailagay sa system ng BI.
- Latest




















