^

Bansa

Duterte 'wapakels' kahit may bagong COVID-19 cases sa bansa, public engagements tuloy

James Relativo - Philstar.com
Duterte 'wapakels' kahit may bagong COVID-19 cases sa bansa, public engagements tuloy
Sa larawang ito na kuha noong Abril 24, 2019, naglalakad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga guwardiya na sumalubong sa kanyang pagdating sa Beijing International Airport sa Tsina. Kasama din niya ang kanyang common-law wife na si Cielito Avanceña at kanilang anak na si Veronica Duterte.
Presidential Photo/Ace Morandante, File

MANILA, Philippines — Kahit umabot na sa lima ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, tiniyak ng Malacañang na hindi nito mapipigilan si Pangulong Rodrigo Duterte na gampanan ang kanyang mga tungkulin at humarap sa publiko.

Sa panayam ng press kay presidential spokersperson Salvador Panelo, Biyernes, sinabi niyang walang pakialam ang presidente kahit na dumarami ang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas, na nananalasa ngayon sa Tsina at iba't ibang bahagi ng mundo

Kanina lang nang kumpirmahin ng Department of Health na nadagdagan pa ng dalawa ang COVID-19 cases sa Pilipinas, kasabay ng "unang local transmission" ng sakit.

"Kilala ko ang presidente, walang pakialam 'yun sa sarili niyang kaligtasan kahit na virus pa 'yan o ano pa. Itutuloy niya 'yung schedule niya," wika ni Panelo sa Inggles.

Aniya, maaaring baguhin lang daw ni Duterte ang kanyang mga plano kung biglang may mga sumulpot na bagong events.

Dagdag pa ng tagapagsalita, kahit gustuhin nilang limitahan ang pinupuntahan ni Duterte ay magiging mapilit lang daw siya, sa dahilang "workaholic" daw siya.

Hindi rin daw magpapapigil si Duterte na makisalamuha sa publiko: "Sa tingin ko hindi, kilala ko eh. Pero siyempre hindi 'yun magugustuhan ng [Presidential Security Group.]"

'Yan ang naging pahayag ni Panelo kahit na may-edad at umiinda na ng maraming karamdaman si Duterte.

Si Digong, na 74-anyos na, ang pinakamatandang nahalal na presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ilan na riyan sa mga iniindang sakit ni Duterte ang myasthenia gravis, Barett's esophagus, Buerger's disease at sari-sari pang injuries.

Bago ang dalawang bagong kaso, tatlo na ang na-diagnose ng COVID-19 sa Pilipinas — isa sa kanila ang patay na.

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH ISSUES

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with