Hugpong ni Mayor Sara umalma sa pagpapatalsik kay Rep. Ungab
MANILA, Philippines — Pinalagan kahapon ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang partido pulitikal na pinangungunahan ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagpapatalsik kay Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng House Committee on Appropriations sa rigodon sa Kamara.?
“For HNP, the ouster of Ungab was grossly unacceptable as it is disadvantageous to the Duterte administration’s reform agenda for the Filipino people and the country,” pahayag ng HNP.?
“We laud him for being a good soldier of President Rodrigo Duterte and for doing his job with pride and principle,” pagpuri pa ng partido kay Ungab na isa nilang kaalyado.
Ang reaksyon ay ginawa ni Mayor Sara isang araw naman matapos na tanggalin na ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Ungab at maging si 1st District Mindoro Rep. Salvador Leachon bilang chairman ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) sa gitna na rin ng mga ulat ng kudeta sa Kamara upang patalsikin si Cayetano at suportahan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker.
Sa ilalim ng term sharing agreement unang uupo bilang Speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan habang hahalili rito si Velasco sa loob ng susunod na 21 buwan.
- Latest