^

Bansa

PANOORIN: Bagong ICAD co-chair nilagdaan ng sariling dugo ang acceptance speech

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Hindi nagpasapat sa tinta ng bolpen, gumamit ng dugo ng bagong hirang na co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs upang lagdaan ang kopya ng kanyang talumpati ng pagtanggap sa pwesto, Martes.

Matatandaang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Anti-Corruption Commission chair Dante Jimenez ang posisyon noong Biyernes.

Paliwanag niya, tanda ito ng pagkaseryoso niya sa pagsuporta sa madugong "gera kontra droga" ni Digong.

"Pinipirmahan ko ito ng sariling dugo para katawanin ang libu-libong biktima ng iligal na droga at bilang pagpapakita ng aking pangako sa marahas na gera laban sa panlipunang salot na dapat wasakin gamit ang anumang pamamaraan," sabi ni Jimenez sa Inggles, Martes.

Matapos niyang sambitin ang linya, nagpatulong siyang sugatan ang sariling hintuturo (index finger) sa kasama para sa kakaibang pulang ink.

Ipinahid niya sa hinlalaki (thumb) ang dugong nananalaytay sa kabilang daliri bago ito iimprenta sa dokumento. 

"[Paabot ng] tissue," sabi niya sa kasama matapos ang madugong seremonyas sa New Executive Building ng Malacañan.

Bago pamunuan ang ICAD at PACC, kilala si Dantes bilang founding chairperson ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Sabi pa niya, agad-agad niyang tinanggap ang posisyong binawi kay Bise Presidente Leni Robredo sa ngalan ng "libu-libong biktima ng iligal na droga, at para protektahan ang kabataan at lipunan laban sa sandamakmak na kasamaan nito."

"Inaalay ko ang acceptance na ito sa nakababata kong kapaptid, Buboy, na napatay noong ika-20 ng Disyembre, 1990 sa... Parañaque, na dahilan kung bakit ako na-transform mula sa pagiging pribadong mamamayan patungo sa pagiging intense advocate laban sa iligal na droga."

Kaiba kay Robredo, na kritiko ng kaliwa't kanang patayan kontra-narcotics, kilala ang grupong VACC ni Jimenez sa pananawagan ng panunumbalik ng parusang bitay.

Una nang sinabi ng Commission on Human Rights sa ABS-CBN noong 2018 na umabot na sa 27,000 ang napapatay kaugnay ng "war on drugs," kung saan nadamay na ang ilang menor de edad at inosente.

Makakatuwang ni Jimenez sa trabaho ang Philippine Drug Enforcement Agency, sa pangunguna ni Director General Aaron Aquino.

vuukle comment

DANTE JIMENEZ

INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with