^

Bansa

Executive order vs e-cigarettes pirmado na ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Executive order vs e-cigarettes pirmado na ni Duterte
Ayon sa Executive Order 106, pagbabawalan na ang pagma-manupaktura, pamamahagi at pagbebenta ng 'di rehistradong electronic cigarettes, heated tobacco products at iba pang "novel tobacco products."
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines (Update 1, 10:54 a.m.) — Pormal nang nireregula ng gobyerno ang paggamit ng vape, at iba pang produktong may tabako at nikotina na ipinadadaan sa kuryente, alinsunod sa bagong kautusang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagbabawalan na ng Executive Order 106 ang pagma-manupaktura, pamamahagi at pagbebenta ng 'di rehistradong electronic cigarettes, heated tobacco products at iba pang "novel tobacco products.

Aamyendahan nito ang  EO 26 (s. 2017) na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga "enclosed public places and public conveyances" maliban sa mga designated smoking areas.

Ayon sa panibagong kautusan, na inilabas ng state-run Philippine News Agency, bawal na ang:

  • paninigarilyo at pagve-vape sa mga "enclosed public spaces" at "public conveyances" maliban sa mga designated smoking/vaping area (DSVA)
  • pagkunsinti sa sa paninigarilyo/pagve-vape sa mga lugar labas sa DSVA
  • pagbebenta, pamamahagi at pagbili ng sigarilyo, vape at mga components nito mula sa mga mas bata sa 21-anyos
  • paggamit, pagbebenta at pagbili ng tabako, vape at mga components nito sa mga mas bata sa 21-anyos
  • pagpilit sa mga wala pang 21-anyos na manigarilyo o gumamit ng vape
  • pagbebenta o pamamahagi ng tobacco products, vape at mga components nito sa mga eskwelahan, play group, at mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga menor de edad
  • pagsasapubliko ng mga advertising nito sa mga lugar kung saan bawal itong ibenta at ipamahagi at labas sa "point-of-sale retail establishments"
  • hindi paglalagay ng health warnings sa mga vape
  • paggamit ng vape juice flavors na maaaring maging "appealing" sa mga wala pang 21-anyos
  • paggamit ng Tetrahydrocannabinol o cannabinoid compounds sa vape juice

Binanggit din dito ang August 2016 report ng World Health Organization, na nagdududa sa pagiging "harmless" ng mga Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS), bagay na nagtataas daw sa risk ng chronic obstructive pulmonary diseas, lung cancer, posibleng cardiovascular disease at iba pang mga sakit na iniuugnay sa paninigarilyo.

Una nang ipinag-utos ni Duterte na "arestuhin" ang mga mahuhuling gagamit ng vape sa pampublikong lugar kahit na wala pang EO o batas mula sa lehislatura na humaharang dito.

Matapos ang verbal order ni Duterte, nagsagawa na ng ilang "anti-vape operations" ang Philippine National Police, ngunit hindi naman ikinukulong ang mga nahuhuli. — may mga ulat mula kay The STAR/Christina Mendez

BAN

ELECTRONIC CIGARETTE

EXECUTIVE ORDER

RODRIGO DUTERTE

VAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with