^

Bansa

Gatas, itlog panlaban sa virus

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang gatas, itlog at coconut oil ay mabisang panlaban sa virus, ayon kay Dr. Robin Navarro, medical expert na cellular and bio-chemical medicine sa ginanap na Balitaan sa Maynila kahapon.

Sabi ni Navarro, na­kababahala ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) lalo pa at buong mundo ang naapektuhan at marami na ang namatay at nagkasakit.

Paliwanag ni Navarro, maaaring labanan ang virus at sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas ng tatlong beses sa isang linggo ay lumalakas ang immune system ng isang tao. Makatutulong din ang pagkain ng itlog.

Nilinaw ni Navarro na bacteria ang pinapatay ng antibiotic at hindi virus.

Mas makabubuti kung iiwasang kumain ng pagkaing may shell at karne ng baboy.

Mainam na uminom ng honey at gumamit ng butter sa pagluluto dahil ito’y anti-cancer at anti-COVID-19. 

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa lahat ng kanilang mga kinakain, partiku­lar na sa tinatawag na exotic food.

Ito ay kasunod ng mga ulat na maaaring paniki at ahas ang pinagmulan ng COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang kumpirmasyon sa naturang mga report pero mabuti na maging mai­ngat ang lahat.

Ayon kay Duque, may ilang sakit na rin kasi na napatunayang nangga­ling sa mga hayop, gaya ng SARS na mula sa civet cat, habang ang Ebola virus naman ay sinasabing galing naman daw sa mga paniki at unggoy.

GATAS

ITLOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with