6 Quedan officials guilty
MANILA, Philippines — Dahil sa umanoy pagpapautang ng P2 milyon sa isang pribadong indibidwal noong 2006, hinatulang guilty ng Sandiganbayan Seventh Division ang anim na dating opisyal ng Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation.
Anim hanggang 10 taong pagkakabilanggo ang inihatol kay Quedancor senior vice president for loans management Alexander Butic, accountant Analyn Hobayan, Quedan operations officer and district supervisor Joel Gagelonia, Credit Assessment Group regional unit head Rhona Marie Resuello-Añover, Collection and Remedial Management Group regional head Rudolph Zoleta, at Quedan operations officer Carino Julius Cañezal dahil sa kasong graft.
Ganito din ang hatol sa private defendant na sina Luisito at Femy Vinuya na nangutang sa Quedancor, isang dating subsidiary corporation ng National Food Authority, na itinayo para tumulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Matatandaan na binuwag ni pangulong Duterte ang Quedancor noong 2017 matapos masangkot sa bilyong halaga ng anomalya.
Ayon sa inihaing kaso ng Ombudsman, pinautang ng Quedancor ang mag-asawa kahit hindi kuwalipikado ang mga ito dahil kulang ang kolateral.
Ang utang ay para umano sa calamansi production sa ilalim ng kompanyang LFV Calamansi Trading na nasa 71 Ver st., San Juan City.
- Latest