Infra development sa Ilocos Sur giit
MANILA, Philippines — Matapos ang unang pagdaong ng isang Carribean cruise ship na may sakay na 4000 pasahero, sa Ilocos Sur, nanawagan ang isang deputy Speaker sa Department of Tourism at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na pag-aralan ang infrastructure development sa nasabing lalawigan.
Ayon kay House Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano ng Ilocos Sur, nagulat ang mga Ilocano na noong Disyembre 26, 2019 ay dumaong ang MV Spectrum sa Salomague Port.
Bukod dito isa pa umanong cruise ship ang inaasahang dadaong dito sa Enero 26 kung saan inaasahang magpapasigla ito sa industriya ng turismo sa Solomague at Ilocos Sur.
Paliwanag ni Savellano na ang Salomague port ay bahagi ng long term development plan na magpapasigla sa turismo at ekonomiya ng kanilang lalawigan.
Umapela din ang kongesista sa DOT at TIEZA na gumawa ng world-class restrooms sa 11 munisipalidad ng lalawigan para magsilbi sa local at foreign tourists dahil ang Ilocos Sur ay marami umanong magagandang lugar at ang Salomague port ang siyang pintuan para sa mga bibisita dito.
- Latest