^

Bansa

Sinasayang na pagkain bawasan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si AAMBI-OWA partylist Rep. Sharon Garin  sa publiko na bawasan ang pagsasa­yang ng pagkain.

Kasabay nito, nana­wa­gan din si Garin na ipasa na ang panuka­lang naglalayong ido­nasyon o i-recycle ang mga tirang pagkain.

Ang panawagan ng kongresista ay kasunod ng ulat noong 2019 sa State of Food and Agriculture report ng United Nations Food and Agriculture Organization kung gaano kahalaga ang food waste reduction sa pagsusulong ng paglago ng ekonomiya at pag-improve sa agricultural production kahit na medyo may kamahalaan.

Sa ilalim ng House bill 3370 na ang Food Waste Reduction Act,  may mandato na mag-do­nate ng mga edible food surplus para sa charitable purposes at magtatatag din ng food banks.

Itinatakda rin ng panukala sa mga may-ari ng restaurants, cafes, fast food chains  o hotels, supermarkets na may 500 square metters  gayundin ang mga culinary schools na ihiwalay ang kanilang mga tirang pagkain na maaari pang kainin para mai-donate at ipamahagi sa mga mahihirap na Pinoy.

AAMBI-OWA

FOOD WASTE REDUCTION ACT

SHARON GARIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with