^

Bansa

'Just a little unwell': Duterte masama ang pakiramdam, pagbisita sa quake victims ipinagpaliban

James Relativo - Philstar.com
'Just a little unwell': Duterte masama ang pakiramdam, pagbisita sa quake victims ipinagpaliban
"Ano lang 'yon, ordinary [na] masama ang pakiramdam ng isang 74-year old," paliwanag ni Panelo sa isang media briefing.
Released/Sen. Christopher "Bong" Go, File

MANILA, Philippines — Inusog muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga gawain ngayong Huwebes dahil sa "sama ng pakiramdam," pagkukumpirma ng Palasyo.

Dahil dito, sa ika-3 ng Enero pa muling makapagtratrabaho ang pangulo.

Pinawi naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang pangamba ng ilan sa kalusugan ni Digong, na kilalang humaharap sa iba't ibang health issues.

"Ano lang 'yon, ordinary [na] masama ang pakiramdam ng isang 74-year old," paliwanag ni Panelo sa isang media briefing.

"Baka nagpapahinga siguro," ani Panelo na madalas binibida na "sinlakas ng kabayo o ng kalabaw" ang kanyang boss.

Sadyang marami lang daw talagang engagements ang pangulo sa kasalukuyan kung kaya't natural lang daw itong reaksyon.

Kulang daw sa tulog ngayon si Duterte ngunit tiyak na bubuti raw ang pakiramdam bukas.

"He attended the Rizal tribute, pumunta siya [r]oon sa mga cancer victims, binisita niya 'yung ibang earthquake victims, nagbigay siya ng mga tseke. Marami siyang ginawa eh," paliwanag pa ni Panelo.

Una nang naiulat na bibisita sana siya sa ilang biktima ng lindol sa Malalag at Padada sa Davao del Sur, na niyugyog ng magnitude 6.9 earthquake nitong Disyembre. 

Ilang beses nang nagpaliban ng gawain si Duterte, na pinakamatandang naihalal na presidente ng Pilipinas sa kasaysayan, dahil sa mga iniinda sa katawan.

Nitong Oktubre lang nang mapaiksi ang pagbisita niya sa Japan dahil masakit ang kanyang likod pagkatapos bumagsak sa motorsiklo.

Nobyembre naman nang aminin niyang nagpapatung-patong na ang kanyang karamdaman habang nagkakaedad.

"At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate," sabi niya sa panayam ng GMA.

"Lahat ng sakit, nandito na sa akin kasi matanda na ako. Kung sabihin mo, 'OK ka ba President?' 'Are you in the best of health?' Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health."

HEALTH ISSUES

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with