^

Bansa

Type mo ba?: Bagong disyenyo ng P5, P20 barya isinapubliko ng BSP

James Relativo - Philstar.com
Type mo ba?: Bagong disyenyo ng P5, P20 barya isinapubliko ng BSP
Dahil dito, magiging yari na sa bakal ang "bente pesos," na ilang dekada nang kinasanayang gawa sa papel.
News5/Bim Santos

MANILA, Philippines — Ipinasilip na ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa madla ang panibagong mukha ng P5 at P20 barya na bahagi ng "new generation coins" ng ahensya, Martes ng umaga.

Dahil dito, magiging yari na sa bakal ang "bente pesos," na ilang dekada nang kinasanayang gawa sa papel.

Paliwanag ni BSP Governor Benjamin Diokno, bagama't mas mura ang gastos sa paggawa ng P20 bill (P2) kaysa sa coin counterpart nito (P10), 'di hamak na mas mapatatagal ang nasabing pera sa sirkulasyon kung gagawin itong bakal.

Umaabot lang daw kasi ng hanggang anim na buwan ang lifespan ng banknotes kumpara sa baryang umaabot ng 10 hanggang 15 taon.

Katulad ngayon, mananatiling si dating Pangulong Manuel Quezon ang personalidad na ilalagay sa P20 coin.

Kapansin-pansin naman ang panibagong imahe ng "nilad" sa likod ng barya, na kumakatawan sa halamang pinaghalawan ng pangalan ng Maynila.

Sinasabing hitik sa nilad noong araw ang Ilog Pasig. Katabi ng naturang halaman ay ang simbolo ng Malacañang.

Pero hindi pa naman daw agad-agad mawawala sa mata ng publiko ang lumang itsura ng bente.

Sabi ng BSP, maaaring mag-print pa rin sila ng P20 banknotes hanggang unang kwarto ng 2020.

Demotion kay Quezon?

Bagama't usap-usapan ngayon sa social media ang "new look," hindi naman lahat ay natuwa sa desisyong ito ng gobyerno.

Noong Oktubre, matatandaang sinabi ng apo ni Quezon na maaaaring isipin ng taumbayan na repleksyon ito ng pagbaba ng halaga ng piso at mukhang ililipat sa barya.

"Psychologically, bilang mamamayan, nagpapahiwatig ito ng devaluation: ang pagtatanggal ng isang denominasyon sa mga papel na pera ay sinyales ng 'shrinking value' ng ating currency," sabi ni Manuel Quezon III sa Inggles noong Lunes.

"Kahit hindi sinasadya... baka tignan din ito bilang 'demotion' ito sa taong makikita sa perang tatanggalin sa sirkulasyon."

Bukod pa riyan, sinabi ng apo ng dating presidente na maaaaring magkakaroon din ito ng negatibong epekto sa industriya ng agrikultura ng Pilipinas.

Malaking bahagi raw kasi ng paper bills ang ginagamitan ng abaca fiber.

Sa kabila ng kanilang kritisismo, sinabi naman niya ang otoridad pa rin ang magdedesisyon sa huli't huli.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

BANKNOTE

BILL

COINS

MANUEL L. QUEZON

MANUEL QUEZON III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with