^

Bansa

Paglilinis ni Isko sa Maynila pinuri ng port users group

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ng Port Users Confederation of the Philippines (PUCP) ang pagsisikap ni Manila Mayor Francisco­ “Isko” Domagoso na maipalinis ang mga lansangan sa lungsod­ kabilang na ang nasa Port of Manila at sa Manila Inter­national Container Port na dalawang pangunahing da­­ungan na namamahala sa mga import at export sa bansa.

Sinabi ni PUCP President Rodolfo T. De Ocampo na ang pagpupunyagi ng alkalde na malinis ang bahagi ng Radial Road 10 (R-10) mula sa mga informal settlers at iba pang lansangan na patungo sa mga ports ay mala­king tulong sa mga motorista, partikular na sa mga cargo vehicles na magtutungo at magmumula sa port area patungo sa North Luzon Expressway.

Sinabi naman ni PUCP Chairman Atty. Oscar Sevilla na positibo ang naging tugon ng kanilang mga miyembro sa seryosong kampanya ng alkalde na masolusyunan ang traffic congestion sa Maynila.

Aktibong isinusulong ng PUCP, na binubuo ng 16 industry associations, ang proteksiyon at promosyon ng interes ng mga port users, partikular na ang mga miyembro nito na mga exporters, importers, bonded warehouse ope­rators, customs brokers, truckers, door to door consoli­dators, personeros, arrastre operators, freight forwarders at iba pa.

Sa paunang pagtaya, natukoy na nalulugi ang bansa ng P3.5 bilyon araw-araw dahil sa sitwasyon sa mala­lang trapiko sa bansa, at ang malaking bahagi ng naturang business opportunities losses ay nagaganap sa dalawang pantalan sa Maynila.

Matatandaang sa unang 100 araw pa lang sa pwesto ni Domagoso ay naging agresibo na ito sa clearing at clean-up drive upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa may 3,373 lansangan sa buong lungsod.

Isinagawa rin ng alkalde ang kanyang monumental clearing at clean-up operation sa Divisoria at Carriedo.

ISKO MORENO

OSCAR SEVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with