2 bagong SC justice itinalaga
MANILA, Philippines — Nagtalaga ng 2 bagong miyembro ng Korte Suprema si Pangulong Duterte.
Itinalaga ang mga bagong Associate Justices ng SC na sina dating CA Justices Mario Lopez at Edgardo delos Santos.
Papalitan nila ang nagretirong sina Associate Justice Francis Jardeleza at Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Sina Lopez at delos Santos ang ika-11 at 12 mahistrado na itinalaga ng Pangulo sa High Tribunal.
Tatlong chief justice na rin ang naitalaga ng Pangulo simula noong 2016 na sina Teresita Leonardo-de Castro, Lucas Bersamin at ang incumbent Chief Justice Diosdado Peralta.
- Latest