^

Bansa

Reclusion perpetua hatol sa apat na killer ng LRA exec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Hinatulan ni Tagay­tay City Regional Trial Court Judge Jaime “Sharp­shooter” Santiago­ ng reclusion perpetua ang apat na akusado sa pag­patay sa isang Land Registration Authority of­ficial sa isang ambush noong Hunyo 4, 2013 sa Tagaytay City.

Batay sa desisyon ni Santiago, reclusion perpetua ang parusang ipinataw kina Jun Villamor, Julius Capongol, Mark Anthony Villanueva at Arwin Bio dahil sa pagpatay kay Atty. Reynaldo Aquino, LRA registrar of deeds, habang pagkakakulong ng hanggang 17 years sa pagkasugat ng driver nitong si Edgar Estuista.

Pagkakakulong din ng hanggang anim na taon ang  parusa ng apat dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Santiago, matibay ang testimonya ni PO1 Edwin Sytiao na nakita niya ang mga sus­pek na bumaril sa  mga biktima na nasa loob ng sasakyan. Nasa isang restrawran lamang siya at susunduin ang kanyang misis nang makarinig ng su­nud-sunod na putok ng baril. 

Ibinasura naman ni Santiago ang alibi ng ng mga suspek.

LAND REGISTRATION AUTHORITY

LRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with