^

Bansa

50% discount, libreng libing sa mahirap na Pinoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
50% discount, libreng libing sa mahirap na Pinoy
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng 50% discount ang lahat ng mahihirap na pamilya sa funeral services sa buong bansa.
Interaksyon/File

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng 50% diskuwento sa mga lahat ng funeral services para sa mga mahihirap na Filipino at libreng funeral services sa mga sobrang mahihirap na kababayan.

Ito ang nakasaad sa House Bill no. 5249 o “Funeral Services Discount Act” na muling inihain nina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Eufeia Cullamat at Ferdinand Gaite.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng 50% discount ang lahat ng mahihirap na pamilya sa funeral services sa buong bansa.

Tinutukoy ng panukala na ang mahihirap na pamilya ay mayroong buwanang kita na equivalent lang sa minimum wage kung saang rehiyon sila nakatira habang ang pinakamahihirap ay tumutukoy naman sa pamilya na ang buwanang kita ay mas mababa pa sa minimum wage sa kanilang rehiyon kung saan sila nakatira.

Subalit kailangang magsumite ng mga requirements bago makakuha ng diskuwento tulad ng death certificate, funeral contract at certificate na nagpapatunay na indigent sila o lubhang mahirap mula sa barangay o local government units o mula sa  Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional or national offices.

Ang mga punerarya naman na magbibigay ng diskuwento o libreng serbisyo sa mga benepisyaryo ay maaring mag-reimburse ng bayad o discount mula sa regional offices ng DSWD.

FUNERAL SERVICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with