^

Bansa

2-year probi supalpal sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Tiniyak na kahapon ng ilang senador na hindi papasa sa Senado ang panukalang batas ng isang kongresista na naglalayong palawigin ng dalawang taon ang kasalukuyang 6 na buwang probationary period sa mga empleyado.

Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ang nasabing panukala ay posibleng maging daan para sa maraming pang-aabuso. 

Sinabi pa ni Pangi­linan na ang seguridad sa pagagawa ay pinoprotektahan ng Konstitusyon.

Kung pahahabain aniya ang probationary period, tatlong beses na hahaba ang panahon na ipagkakait sa mga em­pleyado ang karapatan na maging permanente sa trabaho.

Sinabi naman ni Se­nator Imee Marcos na sapat na ang tatlo hanggang anim na buwan para sa trial period ng mga manggagawa.

Nauna rito, tiniyak rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malabong pumasa ang panukala sa Senado.

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN

PROBATIONARY PERIOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with