Tropical storm Nimfa bumilis, lumakas; bagyo lalayo na bukas
MANILA, Philippines — Lalo pang nag-ibayo ang lakas ng bagyong Nimfa sa patuloy na pag-iral nito sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Base sa ulat ng PAGASA kaninang alas-singko ng umaga, ito'y nagtataglay ng lakas na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugsong 90 kilometro kada oras kaninang madaling araw.
Mas malakas 'yan sa 65 kilometro kada oras at 80 kilometro kada oras na bugso kagabi.
Namataan ang sentro ng baygo 580 kilometro silangan hilagangsilangan ng Basco, Batanes at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras, kaninang alas-tres ng umaga.
'Yan ay mula sa naunang naitayang bilis na 15 kilometro kada oras.
Inaasahan na makakalabas ng PAR bukas bago magtanghali at lilihis pa-hilagangkanluran.
"[H]indi naman po natin nakikita na ang nasabing bagyo ay lalapit nang husto dito po sa Batanes area," ani Gener Quitlong, isang weather specialist.
Dahil dito, mas malakas ang hanging habagat ang magdudulot ng pag-ulan sa Luzon at malaking bahagi ng bansa.
Ilan sa maaapektuhan ng madalas na "light to moderate," at paminsan-minsang "heavy rain" buhat ng Habagat sa:
- Metro Manila
- CALABARZON
- Mindoro
- Romblon
- Marinduque
"Direkta pong naaapektuhan ito ng habagat kaya't mas madalas po ang pag-ulan," dagdag ni Quitlong.
Maulap at magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog din sa:
- Bicol region
- Palawan
- Northern Luzon
- Ilocos Region
- Cordillera Administrative Region
- Cagayan Valley
- Latest