^

Bansa

Ambush kay ex-mayor Loot ‘di inutos ng Pangulo - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Ambush kay ex-mayor Loot ‘di inutos ng Pangulo - Palasyo
Nabatid na isa si Loot sa pinangalanan ni Pangulong Duterte na umano’y mga police generals na protector ng illegal drug syndicates at noong Mayo 2018 ay masuwerteng nakaligtas sa isang ambush na ikinasugat ng apat na indibidwal.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na inutos ni Pangu­long Duterte ang pana­nambang kay dating Daang-bantayan Mayor Vicente Loot.

Ito’y matapos inihayag ni Pangulong Duterte  kamakalawa ng gabi sa Malacañang na pina-ambush na niya ang dating heneral pero buhay pa rin ito.

“General Loot. P— ina mo. Nanalo pa ng mayor. In-ambush kita, animal ka. Buhay pa rin,” ani Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mali ang pagkakaintindi ng media sa naging pahayag na ito ng Pangulo.

Ayon kay Panelo, hindi matatas sa Tagalog ang Pangulo dahil tubong Bisaya kaya paminsan-minsan ay nagkakamali ito sa pagbigkas at pagbuo ng mga pangungusap.

Paliwanag ni Panelo, imbes na “pina-ambush na kita” ay “inambush ka na ngunit buhay ka pa rin” ang nais sabihin ni Pangulong Duterte.

Nabatid na isa si Loot sa pinangalanan ni Pangulong Duterte na umano’y mga police generals na protector ng illegal drug syndicates at noong Mayo 2018 ay masuwerteng nakaligtas sa isang ambush na ikinasugat ng apat na indibidwal.

VICENTE LOOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with