Digong ‘di na bibigyan ng posisyon si Faeldon
MANILA, Philippines – Pinutol na ni Pangulong Duterte ang agam-agam ng taumbayan na ililipat lamang ng puwesto ang sinibak na si Bureau of Corrections (BuCor) director general Nicanor Faeldon matapos tahasang sabihin na hindi na niya ito bibigyan ng anumang posisyon sa gobyerno.
Pero sinabi ng Pangulo na kahit sinibak niya si Faeldon ay naniniwala pa rin siya sa katapatan at integridad nito.
Wika pa ng Pangulo, naging instrumento si Faeldon na makalikom ng bilyon-bilyong halaga ng buwis mula sa cigarette manufacturer na Mighty noong nanungkulan pa ito sa Bureau of Customs (BoC).
Nagkaroon din ng kontrobersya si Faeldon sa BoC ng makalusot ang may P6.4 bilyong halaga ng shabu noong 2017 hanggang sa magbitiw ito.
Inilipat lamang ng Pangulo si Faeldon bilang deputy administrator ng Office of Civil Defense (OCD) hanggang sa italaga sa BuCor ng magbitiw si former PNP chief Ronald dela Rosa upang tumakbong senador.
- Latest