^

Bansa

Mamasapano trial tuloy

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mamasapano trial tuloy
Una nang umalma ang pamilya ng SAF 44 sa anila’y malabnaw na kaso laban kay Aquino na isinampa sa panahon ni retired ombudsman Conchita Carpio Morales.

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Supreme Court (SC) ang temporary restraining order (TRO) na inisyu nito sa Sandiganbayan kaugnay ng paglilitis sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).

Nangangahulugan ito na wala nang hadlang sa pag-usad ng pagdinig.

Ayon kay SC Spokesperson Brian Hosaka, maaari na umanong desisyunan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Ombudsman Sa­muel Martirez kung saan bi­nabawi nito ang kasong graft at usurpation of authority na isinampa laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.

Una nang nagpalabas ang SC First Division ng TRO noong February 2018 na pansamantalang pumigil sa dapat sana ay arraignment noon nina Aquino.

Matatandaan na ang naturang TRO ang humarang para mabasahan na ng sakdal si Aquino.

Sa petisyong inihain ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema nakasaad na sa oras na matuloy ang pagbasa ng sakdal, mawawalan na raw ng karapatan ang mamamayan na mausig sa tamang kaso sina Aquino.

Sinasabing nais ni Martirez na mabawi ang kaso na isinampa laban kina Aquino upang makasuhan ito ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.

Una nang umalma ang pamilya ng SAF 44 sa anila’y malabnaw na kaso laban kay Aquino na isinampa sa panahon ni retired ombudsman Conchita Carpio Morales.

Napag-alamang nagkakaisa ang mga justices na dapat nang matanggal ang TRO laban sa pagdinig ng kaso ni Aquino.

Maaalalang Enero 25, 2015, mahigit 60 ang nasawi kabilang ang 44 na miyembro ng Special Action Force nang sumiklab ang engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao makaraang matagumpay nilang mapatay ang Malaysian terrorist na si Zulkipli Bin Hir alyas ‘Marwan’.

vuukle comment

MAMASAPANO ENCOUNTER

SANDIGANBAYAN

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with