^

Bansa

BOC exec kinasuhan sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon
BOC exec kinasuhan sa Ombudsman
Sa complaint affidavit na inihain ng isang Joana Marie Gonzales, inakusahan niya si Guerrero at Deputy Commissioner Raniel Ramiro nang ipuwesto si BOC Risk Management Office (RMO) Chief George Patrick Avila noong February 2019 kahit walang official documents o appointment.

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng graft sa Ombudsman si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Guerrero at iba pang opisyal dito dahil sa umanong illegal na pagtatalaga ng empleyado sa kagawaran.

Sa complaint affidavit na inihain ng isang Joana Marie Gonzales, inakusahan niya si Guerrero at Deputy Commissioner Raniel Ramiro nang ipuwesto si BOC Risk Management Office (RMO) Chief George Patrick Avila noong  February 2019 kahit walang official documents o appointment.

Ang tatlo ay inireklamo ni Gonzales ng kasong graft at grave misconduct habang si Avila ay karagdagang kaso naman na paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o usurpation of Authority.

Nabatid na hindi pa natatanggap ni Guerrero at Romero ang opisyal na kopya ng reklamo. Samantala, hiniling din ni Gonzales sa Ombudsman na isailalim sa preventive suspension ang nasabing mga opisyal.

REY GUERRERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with