^

Bansa

Provincial bus ban sa EDSA tuloy sa susunod na linggo

James Relativo - Philstar.com
Provincial bus ban sa EDSA tuloy sa susunod na linggo
Hindi pa rin kasi nakakukuha ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema noong Martes ang mga grupong kumekwestyon sa planong "magpapaluwag" diumano sa pinaka-busy na lansangan sa Kamaynilaan.
The STAR/Russell Palma, File

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang dry run ng pagbabawal ng mga provincial buses sa kahabaan ng EDSA sa susunod na linggo, ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority Miyerkules.

Hindi pa rin kasi nakakukuha ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema noong Martes ang mga grupong kumekwestyon sa planong "magpapaluwag" diumano sa pinaka-busy na lansangan sa Kamaynilaan.

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, magsisimula ito alas-kwatro ng umaga ng ika-7 ng Agosto.

"The dry run will push through  unless there is a Supreme Court order stopping its implementation. We respect the rule of law, alam namin iyan kaya kapag sinabing ihinto, ihinto natin iyan definitely" ani Garcia sa mga reporter.

(Magpapatuloy ang dry run maliban na lang kung maglalabas ng kautusan ang Korte Suprema na pipigil sa implementasyon nito. Nirerespeto namin ang batas, alam namin iyan kaya kapag sinabing ihinto, ihinto natin iyan definitely.)

Matatandaang naghain ng petisyon ang Ako Bicol party-list, Bayan Muna party-list at si Albay Rep. Joey Salceda laban sa direktiba.

Hindi pa naman nareresolba ng Kataas-taasang Hukuman ang tatlong petisyon na naglalayong maideklarang "null and void" ang MMDA policy.

Habang ipinatutupad ang test run, hindi pa naman daw huhulihin ng MMDA ang mga lalabag sa kautusan.

Mananatiling bukas ang mga terminal ng bus sa EDSA ngunit hindi hahayaang mag-operate, dagdag pa ni Garcia.

Inudyok din niya ang mga tsuper at operator ng bus na gamitin ang mga interim terminals na nasa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela City.

Window hours ipatutupad

Habang tumatakbo ang dry run, magpapatupad naman daw ng window hours sa EDSA mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw.

"Buses will be allowed to pass through EDSA and use the terminals during the period," dagdag ni Garcia.

(Hahayaan ang mga nasabing bus sa EDSA sa mga oras na 'yan.)

Mayo ngayong taon nang suspindihin ng MMDA ang kanilang dry run matapos umani ng batikos mula sa mga commuter at transport groups.

Naglabas na rin ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board pagdating sa franchise routes ng mga provincial at city buses na maaapektuhan ng pagsasara ng mga terminal sa EDSA. — may mga ulat mula kina Robertzon Ramirez at Edu Punay 

BUS BAN

EDSA

LTFRB

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with