1,715 bagong halal na local execs hihingan ng 100 day plan ng DILG
MANILA, Philippines — Hihingan ng 100 day plan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 1,715 mga bagong halal na Local Chief Executives (LCEs) partikular na ang mga alkalde at gobernador habang isasalang rin ang mga ito sa orientation course sa maayos na pamamalakad sa gobyerno simula sa susunod na linggo.
Ayon kay DILG spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya, ang hakbang ay naglalayong mapagbuti pa ang serbisyo publiko ng mga bagong halal na alkalde, gobernador at iba pang mga lokal na opisyal sa pagtupad ng kanilang misyon sa kanilang mga komunidad.
Nag-isyu ng Memorandum Circular ang DILG na inatasan ang lahat ng mga provincial governors, city at municipal mayors, Sanggunian Bayan members at Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) governors na makibahagi sa 2019 Newly Elected Officials (NEO) Program na magsisimula na sa darating na Lunes (Hulyo 8) sa Crowne Hotel sa Ortigas Center.
Unang isasalang sa NEO program ang 81 provincial governors, 145 city mayor at 498 first-time municipal mayors habang pinaplano rin ng DILG na magkaroon ng hiwalay na refresher orientation sa mga reelected municipal mayors.
- Latest