^

Bansa

14th month pay sa pribadong sektor gustong i-obliga

James Relativo - Philstar.com
14th month pay sa pribadong sektor gustong i-obliga
Sa Senate Bill 10 ni Sen. Vicente "Tito" Sotto, layuning madagdagan ng isa pang buwan ang ibinabayad sa mga empleyado't manggagawa upang umagapay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
File

MANILA, Philippines (Updated 2:14 p.m.) — Gustong gawing mandatory ng isang senador ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor sa isang panukalang inihain ngayong Lunes.

Ngayon kasi ang unang araw ng paghahain ng mga panukalang batas at resolusyon para sa 18th Congress na mag-bubukas sa July 22.

Sa Senate Bill 10 ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, layuning madagdagan ng isa pang buwan ang ibinabayad sa mga empleyado't manggagawa upang umagapay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

"Wages have invisibly decreased due to the rise in prices of basic commodities. Improved business earnings have not cascaded on its own," ayon sa bill.

(Tahimik na bumababa ang sahod dahil sa patuloy na pagtaas ng mga batayang pangangailangan. Kahit tumataas ang kita ng mga negosyo, hindi ito bumababa sa mga nagtratrabaho.)

Bawat senador ay maaaring mag-file ng hanggang 10 bills sa kada round ng filing. Ang unang round ay mula July 1-4 at ang ikalawa naman ay mula July 8-11.

Bagama't 12 lang ang buwan sa isang taon, hinihingi ng batas na mabigyan ng 13th month pay ang mga manggagawa't empleyado.

Gayunpaman, sinabi ni Sotto na nauubos lang ang 13th month sa mga gastusin tuwing Kapaskuhan.

"We need extra earnings in the middle of the year to help in school and medical expenses," dagdag ng panukala.

(Kailangan natin ng dagdag na kita sa kalagitnaan ng taon para makatulong sa mga gastusin sa eskwelahan at pangkalusugan.)

Positibo naman ang pagsalubong dito ng economic think tank na IBON Foundation, sa panayam ng PSN.

Aniya, 'di hamak na mas maayos ito kaysa sa kasalukuyang natatanggap ng taumbayan.

"Any measure that increases the take home pay of underpaid workers is always welcome, so the proposal for mandatory 14th month pay is in that sense better than the current set up," ani Sonny Africa, executive director ng IBON.

(Anumang panukala na magtataas ng maiuuwing sahod ng mga manggagawang binabarat ay lagi nating wine-welcome, kung kaya't mas okay ang mandatory na 14th month pay kumpara sa kasalukuyang meron tayo.)

Gayunpaman, mas mainam pa rin daw kung mauumentuhan mismo ang sahod patungong P750 kada araw.

"This would give them a higher annual salary and also be counted as part of their overtime pay, holiday pay, and the like," dagdag ni Africa.

(Mabibigyan nito ng mas mataas na taunang sweldo ang mga tao at magiging bahagi rin ng kanilang overtime pay, holiday pay at iba pa.)

Inilutang ito habang patuloy na nananawagan ang ilang sektor ng paggawa na maitaas na ang minimum wage.

Gayunpaman, ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang mga petisyon sa wage adjustments ngayong Hunyo sa Metro Manila at Calabarzon, matapos sabihing walang "supervening event."

Una na ring inalmahan ng Alliance of Concerned Teachers ang suwestyong pautay-utay na ibigay ang umento sa sweldo ng mga guro, na una nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte. — may mga ulat mula sa News5 at kay The STAR/Mayen Jaymalin

14TH MONTH PAY

LABOR RIGHTS

PRIVATE SECTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with