^

Bansa

Rizal at Bonifacio ‘di lumusot sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rizal at Bonifacio ‘di lumusot sa Kamara
Nakiisa ang mga Pinoy sa pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Kalayaan sa isang flag raising ceremony kahapon sa Rizal Park.
Edd Gumban

Bilang bayani

MANILA, Philippines — Nanghihinayang si Caloocan City Rep. Edgar Erice na hindi lumusot sa Kamara ang panukalang batas na nagdedeklara kina Jose Rizal at Andres Bonifacio bilang mga pambansang bayani.

Ang House Bill 2762 ay inihain ni Erice na nag­lalayong tugunan ang umano’y pagpapabaya at kawalan ng aksyon ng gobyerno tungkol sa isyu ng pambansang bayani.

Subalit hindi man lang umabot ang panukala  sa committee level.

Ayon sa kongresista, nakalulungkot na hanggang ngayon ay hindi maituturing na pambansang bayani sina Rizal at Bonifacio kung teknikal o legal ang pag-uusapan.

Ito lamang umano ang paraan para suklian ang kabayanihan at sakripisyo nina Rizal at Bonifacio para pagsumikapang mapalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop.

Ipinagtataka pa ng kongresista na bagama’t may mga panukala sa Mababang Kapulungan para matigil na ang debate tulad ng pagdedeklara sa waling-waling bilang pambansang bulaklak at ang balangay bilang pambansang bangka ay hindi man lang naisip isama ang sinuman kina Rizal at Bonifacio.

EDGAR ERICE

JOSE RIZAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with