^

Bansa

Rollback sa petrolyo, LPG

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Rollback sa petrolyo, LPG
Ngunit, kahapon ay nauna nang nagpatupad ng price rollback ang Phoenix Petroleum Philippines, na bumaba ng P0.35 kada litro ang gasolina at P0.45 naman sa diesel na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.
File Photo

MANILA, Philippines — Inaasahang magpapatupad na naman ng price rollback sa pet­rolyo at Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga oil companies sa susunod na linggo.

Ngunit, kahapon ay nauna nang nagpatupad ng price rollback  ang  Phoenix Petroleum Philippines, na bumaba ng P0.35 kada litro ang gasolina at P0.45 naman sa diesel na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.

Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) ang diesel ay nasa P0.50 hanggang P0.55 kada litro, gasolina P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang sa kerosene ay P0.50 hanggang P0.60 kada litro.

Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis ang oil price adjustment.

Samantala may ­inaasahan ding bawas presyo sa LPG sa pagtatapos ng buwan.

Good news ito sa mga ina ng tahanan at mga consumers na inaasahan sa Hunyo 1 ay may malaking bawas sa presyo ng LPG.

Na nasa P6.40 ang tapyas ng presyo sa kada kilo at  P70.40 naman sa bawat 11 kilogram na tangke nito.

Ngunit posible pa umano magkakaroon ng pagbabago pagsapit ng Mayo 31.

LPG ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with