Alok ng Canada na hakutin ang basura sa Hunyo 30 tinanggihan ng Palasyo
MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Malacañang ang alok ng Canada na sila na ang mag-uuwi ng kanilang basura sa katapusan ng Hunyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na makakapaghintay si Pangulong Duterte sa katapusan ng June bago mahakot pabalik ng Canada ang itinambak nitong tone-toneladang basura.
Magugunita na kamakalawa ay iniutos ng Pangulo ang paghahanap ng private shipping company upang ibalik sa Ottawa ang nasabing basura at ang gobyerno na lamang ang gagastos para rito matapos mabigo ang Canada na hakutin ito sa itinakdang May 15 deadline.
Nagpahayag kahapon ang Canadian government na sila na lamang ang kukuha ng basura pero baka raw abutin pa ng katapusan ng June.
Nagbanta pa ang Pangulo na kapag hindi tinanggap ng Canada ang kanilang basura ay itatapon ito sa kanilang karagatan malapit sa beaches ng mga ito.
- Latest