^

Bansa

Voting machines sa West Phl Sea handa na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Voting machines sa  West Phl Sea handa na
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, nakumpleto na ang lahat ng paghahanda para sa gaganaping midterm election sa darating na Lunes, Mayo 13. “It’s green and go nationwide as far as police election security operations is concerned,” pahayag ni Gamboa, PNP National Security Task Force para sa 2019 midterm polls.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Ultimong sa pinakamalayong lugar sa isla na inookupa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea ay nakahanda na ang mga voting machines.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, nakumpleto na ang lahat ng paghahanda para sa gaganaping midterm election sa darating na Lunes, Mayo 13. “It’s green and go nationwide as far as police election security operations is concerned,” pahayag ni Gamboa, PNP National Security Task Force para sa 2019 midterm polls.

Nitong Huwebes ay nagtungo si Gamboa sa Kalayaan Island sa Palawan, ang isa sa mga islang inookupa ng Pilipinas sa WPS upang personal na tingnan ang kahandaan ng mga awtoridad sa gaganaping botohan sa Kalayaan Island Group na ika-5 munisipalidad ng Palawan.

Binisita rin ang Pag-asa ng mga opisyal ng Comelec, PNP at AFP para sa final testing at sealing ng Vote Counting Machines at maging ang Voters’ Registration at Verification System.

Nasa 200 ang residente sa lugar kabilang ang mga botante. 

VOTING MACHINES

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with