^

Bansa

Panghaharas sa mambabatas sa Catanduanes kinondena

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinokondena ni Catanduanes Congressman Cesar Sarmiento ang desperadong aksyon ng kanilang mga kalaban  para mapaurong siya  at kaniyang kapatid na kumakandidato sa kanilang lalawigan.

Kasabay nito ay isiniwalat din ni gubernatorial candidate  Sarmiento  ang puwersahang pagpasok  ng limang armadong kalalakihang nakasuot ng uniporme ng militar at naka-bonnet sa kanilang bahay sa Brgy. Ibong Sapa, Virac, Catanduanes.

Si Sarmiento na 3-term sa pagiging congressman ay tumatakbo ngayon bilang gobernador sa lalawigan. 

“I am appalled that it was just labelled as pure harassment by the Catanduanes provincial police. But trying to kidnap the congressman’s grandson where the perpetrators forcibly entered the house, destroyed the door locks and such was just branded harassment,” pahayag naman ng kapatid nito na si Jorge Sarmiento (kumakandidato namang  congressman sa lalawigan). Matinding pagbatikos ang ipinukol ni Jorge Sarmiento sa  panghaharass sa kaniyang kapatid na siya ring  provincial chairman ng PDP-Laban dahil sa mga desperadong aksyon ng kanilang mga kalaban.

Sa ulat ni Catanduanes Police Provincial Director, Col. Paul Abay na isinumite sa Camp Crame, ang mga armadong lalaking pumasok sa bahay ng mga Sarmiento kung saan pinosasan  sina Rey Vargas, 71, naka-duty na guwardiya at ang caretaker na si John Tabios, 31. Pinagdidistrungka ang mga pinto ng bawat silid. Mabilis namang nakapagtago ang kanyang anak at apo.

CESAR SARMIENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with